Construction worker, pinatay sa Mandaluyong

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2017 07:57 AM | Updated as of Oct 08 2017 09:33 AM

MANILA - Patay ang isang construction worker matapos umano paghahampasin sa ulo ng kanyang katrabaho sa Haig st., Brgy. Daang Bakal, Mandaluyong City, Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Sonny Rose, edad 46, na iniwang nakahandusay at may mga tama sa ulo sa kalsada ilang kanto mula sa pinagtatrabahuang gusali pasado 11:00 PM.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Gregorio Acbay, nakita ng ilang saksi ang kapwa trabahador na si Cesar Mangahas, edad 30, na umalis sa crime scene at may dalang bakal na tubo na paa ng scaffolding.

Hindi pa nahuhuli ang suspek, pero narekober ang pinanghampas na bakal sa construction site ng ironcon builders.

Napag-alamang pareho umanong nakainom ang suspek at biktima pero hindi pareho ng pinanggalingan. Iniimbestigahan pa ang motibo sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.