2 lalaki timbog sa buy-bust operation sa QC

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2017 03:27 AM

Nakuha sa dalawang suspek ang P60,000 halaga ng hinihinalang shabu, P1,500 na buy-bust money, P250 na cash, at dalawang cellphone.

Timbog ang dalawang lalaking dati nang sumuko sa Oplan Tokhang sa Barangay Sikatuna, Quezon City. 

Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Pahati, 38, at Albert Dapadap, 34.

Ayon kay Chief Insp. Ferdinand Mendoza, apat na araw lamang minanmanan ang mga suspek at nadiskubreng madalas silang magbenta ng ilegal na droga sa isang residential area ilang kilometro lang ang layo sa Camp Karingal. 

Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga ngunit itinangging sa kanila ang mga nakuha sa operasiyon.

Narekober sa mga suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P60,000, P1,500 na buy-bust money, P250 na cash, at dalawang cellphone.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.