TINGNAN: Mga bahay sa Las Piñas tinupok ng apoy

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2017 03:17 PM

Ilang bahay ang tinupok ng apoy sa Las Piñas Sabado ng umaga. Bayan Patroller Angelito Faustino

MANILA – Nakunan ng mga larawan ng mga Bayan Patroller ang sunog na naganap sa isang subdivision sa Las Piñas, Sabado ng umaga.

Sa mga larawang kuha ni Bayan Patroller Angelito Faustino, makikita ang apoy na tumupok sa mga kabahayan sa Joshua St., BF Martinville Subdivision, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City, lagpas alas-9 ng umaga.

Kita din sa mga retrato ang makapal at maitim na usok na nanggaling dito.

Ilang bahay ang tinupok ng apoy sa Las Piñas Sabado ng umaga. Bayan Patroller Arvie Mañapao

Nakunan din ng larawan ni Bayan Patroller Arvie Mañapao ang insidente. Kuwento nito, may mga narinig ang mga residente na malalakas na pagsabog sa lugar dahil sa sunog.

Ayon kay Fire Officer 1 Jazel Almazan ng Las Piñas City Fire Station, 9:35 ng umaga nang magsimula ang apoy. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.