3 motorsiklo, naatrasan ng bus; 1 sugatan

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 12:38 PM

Isa ang bahagyang nasugatan matapos na maatrasan ng bus ang tatlong motorsiklo, Huwebes ng umaga sa Quezon City.

Sumama na sa mga pulis ang hindi pa nakikilalang driver ng Gold Line Tours bus na may plakang ABA 9149 matapos ang aksidente.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Tandang Sora sa Barangay Old Balara.

Ayon sa mga rumespondeng medic ng Philippine Red Cross, nadatnan nilang halos pumailalim sa likod na bahagi ng bus ang tatlong motorsiklo.

Nakahinto umano ang mga sasakyan noon dahil sa trapik nang biglang umatras ang bus.

Nakatalon naman ang motorcycle riders maliban sa isa na nagkagalos sa tuhod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.