Supermarket sa Paco, nasusunog

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 09:51 AM | Updated as of Sep 13 2017 09:52 AM

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang apoy sa apat na palapag na supermarket sa may Pedro Gil, Angel Linao sa Paco, Maynila Miyerkoles ng umaga.

Malaki pa rin ang apoy na nagsimula sa storage room kung saan may panindang alak at alkohol kaya hirap maapula ang apoy.

Bandang alas-5:45 ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot na sa ikatlong alarma.

Nakalabas naman ang nasa 30 stay-in workers ng supermarket.

Samantala, isang bumbero naman ang nagtamo ng bahagyang sugat sa pagresponde sa sunog.

Ang naturang supermarket ay katapat lamang ng Paco market.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.