P1.6-M shabu nakuha sa tricycle driver

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 12:21 PM | Updated as of Aug 19 2018 08:08 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Nasamsam ang nasa P1.6 milyon na halaga ng shabu mula sa isang tricycle driver sa Taguig ngayong Linggo. 

Nagroronda ang mga pulis nang makita ang 25-anyos na driver na bitbit ang nasa 200 gramo ng droga sa NP Cruz Street, Barangay Ususan. 

Ikinulong ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nitong Sabado, nakumpiska rin ng pulisya ang tinatayang P2 milyon na halaga ng droga mula sa 4 na tricycle driver sa Maynila.
 
 -- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.