Mag-asawa, pinagbabaril sa Surigao City

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 07:12 PM

SURIGAO CITY - Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang mag-asawa sa Saint Paul University sa Barangay Luna sa lungsod na ito Sabado ng hapon.

Dead on arrival si Abigail Gogo habang sugatan naman ang asawa niyang si Paul.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima.

Base sa imbestigasyon, pauwi na sana ang mag-asawa mula sa paglalaro ng basketball nang pagbabarilin.

May lead na ang pulisya sa posibleng mga responsable sa pamamaril pero hindi na muna sila nagbigay ng detalye habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.