ALAMIN: Paano paghandaan ang retirement habang bata pa?

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 08:11 PM

Mas mainam na habang maaga pa ay paghandaan na ng mga nagsisimula pa lang sa pagtatrabaho ang kanilang retirement fund, ayon sa isang rehistradong financial planner.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bukod sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS), may iba pang paraan upang makapag-impok ng pera bilang paghahanda sa pagreretiro.

"Kung kayang magtabi ng 10% ng income mo or 15%, it's a start," ani Randell Tiongson, isang registered financial planner.

Bukod sa pagtatabi ng pera, maaari ring pumasok sa investment.

"Hindi familiar sa [mga] Pilipino, pero readily available [ang] mutual funds. 'Yan meron as low as 1,000 a month puwede," dagdag ni Tiongson.

Ani Tiongson, ang paglalaan ng pondo sa pagreretiro ay tila hindi prayoridad ng nakararaming Pilipino.

"Sa Pilipinas andami-daming forms na pipirmahan, minsan sobrang complicated, hindi nila maintindihan. Second, 'yong culture natin na 'bahala na'," saad niya.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.