600 pasahero ng MRT pinababa dahil sa pumalyang motor

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 06:43 PM

Pinababa ang nasa 600 pasahero ng MRT-3 matapos magkaaberya ang isang northbound train sa Shaw Boulevard station nitong hapon ng Linggo.

Ayon sa pamunuan ng MRT, ang sanhi ng aberya ay electrical failure sa motor ng tren.

Limang minuto ang lumipas bago nakasakay sa panibagong tren ang mga pinababang pasahero.

Isinailalim naman sa preventive maintenance ang nagkaaberyang tren.

Sampung araw ang lumipas mula nang huling magkaroon ng unloading incident sa MRT.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.