TINGNAN: Tubig sa Ipo Dam, nagkulay-kape

Val Cuenca, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2018 02:44 PM

MAYNILA - Nagmistulang kulay kape ang tubig na dumadaloy sa Ipo Dam sa Bulacan dahil sa habagat na pinalakas ng sunod-sunod na bagyong dumaan sa bansa.

Val Cuenca, ABS-CBN News

Val Cuenca, ABS-CBN News

Val Cuenca, ABS-CBN News

Ang pagdumi ng tubig ang naging dahilan rin para pansamantalang maapektuhan ang serbisyo sa suplay ng tubig sa kalakhang Maynila at karatig na lalawigan ng Cavite.

Ayon sa Maynilad, kakailanganin nilang magbawas ng water production sa kanilang treatment plants para matiyak na maayos pa rin ang kalidad ng tubig na matatanggap ng kanilang customers.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.