SILIPIN: Ritwal ng isang tribo para mapatila ang ulan sa Cordillera

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2018 01:30 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsagawa ng ritwal ang isang lider ng tribo sa Bontoc, Mountain Province para mapatila ang ulan na nagdulot ng baha, landslide, at nag-iwan ng tatlong patay sa Cordillera.

Pakpak ng manok, panga ng baka, at apat na paa ng aso ang inalay ng tribal leader na si Bong Cawed, kasabay ang panalangin na tumigil na ang ulan na naging dahilan ng mga sakuna kamakailan.

“Sumobra na ang pag-uulan eh. 'Yung mga buto lang. 'Yan ang inaalay sa ganitong mga ritwal. Para tumigil ang ulan. Talagang 'yun ang pangkontra sa ulan,” ani Cawed ng Bontoc tribe.

Sa tala ng Office of Civil Defense, 34 na pamilya pa ang nananatili sa evacuation centers dahil sa habagat, habang tatlo ang namatay dahil sa landslide at pagkalunod.

Tatlong barangay din sa Langangilang, Abra ang na-isolate dahil sa pagtaas ng tubig sa Abra River.

Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa iba pang epekto ng habagat.

Pero sa ngayon, hiling ni Cawed na ang simple nilang ritwal ay makatulong upang mailigtas sa kapahamakan ang kanilang rehiyon.

—Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.