Traffic enforcer tinambangan, patay sa Surigao

Richmond Calo Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2017 03:45 PM

Naiwan na lamang sa lugar na ito ang motorsiklo ng biktimang pinatay ng mga nakamotorsiklo ring suspek. Richmond Calo Hinayon, ABS-CBN News

SURIGAO CITY - Patay ang isang traffic enforcer matapos pagbabarilin ng 2 nakamotorsiklong salarin sa Purok 3, Kilometer 13, National Highway, Barangay Trinidad Sabado ng gabi.

Pauwi na sana ang 40 anyos na si Jeffrey Murillo sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla na lang itong pinagbabaril ng riding-in tandem gunmen na nakasunod sa kanya.

Hirap na matukoy ngayon ng awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga responsable sa krimen lalo't walang plaka ang sinasakyan na motorsiklo at pareho pang naka-helmet.

Agad na dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima pero binawian rin agad ito ng buhay. Blangko pa ngayon ang pulisya sa Surigao sa posibleng motibo ng pamamaslang.