Sina 'Bantay', sinasanay sa pagsaklolo sakaling lumindol

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2017 07:45 PM

Bilang “man’s best friend”, maaari ring maging rescuers ang mga alagang aso sakaling yumanig ang pinangangambahang “the big one” o ang magnitude 7.2 na lindol sa bansa.

Nagbibigay ngayon ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng libreng pagsasanay sa volunteers at kanilang mga alagang aso tungkol sa “search and rescue.”

Sinasanay ang mga aso sa pagsaklolo kung magkaroon ng sakuna.

Tinuturuan ang mga aso na sumuot sa kunwari’y gumuhong istruktura at maghanap ng taong kailangang sagipin.

Umaasa ang MMDA na magkakaroon ng hanggang limang “rescue dogs” sa bawat komunidad sa Kamaynilaan.

Sa pagtataya ng geologists ng bansa, nasa 30,000 kabahayan ang maaapektuhan sakaling mangyari ang “the big one.”

Nitong Biyernes, Agosto 11, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Nasugbu, Batangas.

Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila.

-- Ulat mula sa Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.