Sunog, sumiklab sa residential area sa Malabon

Joyce Balancio and Angel Movido ABS-CBN News

Posted at May 24 2018 03:15 PM | Updated as of May 24 2018 09:38 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv


MANILA - Mabilis na lumaki ang sunog sa residential area sa Governor Pascual Street, Barangay Catmon, Malabon, Huwebes ng hapon.

Sa pinakahuling ulat, nakataas na sa Task Force Bravo ang sunog.

Unang itinaas ang first alarm 1:30 ng hapon pero mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga tabi-tabing bahay doon. 

Ayon kay Fire Marshall Stephen Requina, nahihirapan rin silang apulahin ang apoy dahil sa lakas ng hangin.


Nagdagsaan naman ang fire volunteers sa lugar para tumulong sa mga bumbero at mga residente sa pag-apula ng apoy.

Sa ngayon wala pang impormasyon ang Bureau of Fire Protection kung ilang bahay ang apektado sa sunog, maging ang pinagmulan nito.

Hindi pa rin alam kung may na-trap sa loob o kung may nasugatan o namatay sa nagaganap na sunog.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.