Bahay na nabili, hindi matirhan; dating may-ari, ayaw umalis

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2017 04:20 PM | Updated as of Aug 12 2017 08:54 PM

Nagreklamo ang isang buyer ng 'acquired asset' ng Pag-IBIG dahil ayaw umalis ng dating may-ari sa kanyang ari-arian.

Dismayado si alyas Edgar dahil hindi matirhan ng kanyang pamilya ang bahay at lupa na binili mula sa Pag-IBIG. 

Aniya, ayaw pa rin umalis ng dating may-ari ng bahay. 

Dagdag pa ni Edgar, sinabihan siya ng may-ari na magsampa na lamang ng kaso dahil hindi sila aalis sa bahay.

Labinlimang taon nang nakatira sa bahay ang dating may-ari ngunit nailit ito.

Idinulog ng 'Tapat Na Po' sa Pag-IBIG ang hinaing ni Edgar. Nangako ang ahensiya na tutulungan siyang maghain ng kaso para sa pagpapaalis sa nakatira sa nabiling 'acquired asset.'

Desidido naman si Edgar na hintayin ang kalalabasan ng kaso pero hinihiling niya na magkaroon din ng ngipin ang Pag-IBIG para mapaalis ang dating may-ari.

Nagpaalala naman muli ang Pag-IBIG na tingnan o bisitahin muna ang property bago magdesisyong bilhin ito.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.