2 patay sa drug raid matapos manlaban umano sa mga pulis

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2017 01:16 PM

MANILA - Patay ang dalawang lalaki matapos manlaban umano sa mga pulis sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay 176, north Caloocan, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Percival Garcia at Aldrin Balcera. Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyon na ginagawang drug den ang bahay ni Garcia.

Nang kanilang puntahan, kaagad nagpaputok si Balcera, dahilan para magpaputok din ang mga operatiba. 

Kaagad namatay sina Garcia at Balcera habang nahuli ang mga kasamahan nila, ang magkapatid na Katrina at Claire Bermudez.

Nakatakas naman ang tatlo pa nilang kasamahan na pinaghahanap na ng mga pulis.

Ang raid ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.