#WalangPasok: Agosto 11, Sabado

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 09:51 AM | Updated as of Aug 11 2018 09:29 PM

Walang pasok sa mga sumusunod na lugar ngayong Sabado, Agosto 11, 2018, dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng habagat.

MAYNILA:

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

 

VALENZUELA:

Kanselado ang klase at school activities sa mga paaralan, kolehiyo o unibersidad sa lungsod.

MALABON:

Wala rin pasok ang pang-hapong klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Malabon.

 

NAVOTAS:

Nag-anunsiyo na rin si Mayor John Rey Tiangco ng Navotas na suspendido na ang klase simula 11:30 ng umaga sa Navotas Polytechnic College dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at mataas na tubig-dagat.

 

CALOOCAN: 

Wala nang pasok ang pang-hapon klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga eskuwelahan sa lungsod dala ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa kalapit na mga siyudad.

 

MARIKINA:

Nag-kansela ng klase at school activities sa lahat ng level at paaralan sa lungsod.

 

ANTIPOLO CITY:

Pinagbasehan naman ng Antipolo City ang rainfall advisory ng PAGASA para suspendihin ang klase sa lahat din ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

 

CAINTA:

Wala nang pasok sa hapon at gabi sa lahat ng kolehiyo sa bayan ng Cainta gayundin ang sa Senior High School at make-up classes na nakatakda sa araw na ito.

 

BATAAN:

Walang pasok sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong mga paaralan sa mga bayan ng: 

Hermosa

 

Dinalupihan

 

Mariveles

 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.