TINGNAN: Sitwasyon sa Marikina sa gitna ng malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 06:40 PM

Itinaas na sa alarm level 3 ang Marikina River kaya sumailalim na sa forced evacuation na ang mga residenteng naninirahan malapit dito.

Ayon sa Facebook page ng Marikina PIO, nasa 19 metro na ang taas ng tubig sa ilog pagpatak ng alas-6 ng gabi Sabado. 

May mahigit 2,500 inidibiwal na rin ang nasa iba't ibang evacuation centers.

 

 

Kotse lumubog

Bandang alas-2 ng hapon, lumubog naman ang isang nakaparadang kotse sa gilid ng Marikina River na nakunan ng mga larawan ni Bayan Patroller Artemis Lumacang.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Marikina, walang tao sa loob ng naturang sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.