2 magnanakaw umano ng motorsiklo, patay sa checkpoint

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 11:59 AM | Updated as of Aug 12 2018 02:43 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

SAN PEDRO, Laguna – Dalawang hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo ang napatay matapos na magpaputok sa checkpoint, Sabado ng madaling araw.

Dumaan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa checkpoint ng Highway Patrol Group (HPG) sa naturang bayan.

Bigla na lang umanong nagpaputok ng baril ang angkas na suspek sa harap mismo ng checkpoint na naging rason para habulin sila ng mga pulis.

Palingon-lingon pa ang angkas habang hinahabol ng mga operatiba.

Sa Phase 1-B, Sta. Teresita Street, Barangay Pasitawan sila bumulagta nang abutan ng mga pulis.

Ayon kay Chief Inspector Jose Maria Franca, sangkot ang dalawa sa nakawan ng motorsiko sa San Pedro at hinihinalang tulak o gumagamit ng ilegal na droga.

Narekober mula sa mga napatay na suspek ang dalawang kalibre .38 baril at mga sachet ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.