10 drug users, arestado sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 08:32 AM

ANGELES CITY, Pampanga – Huli sa akto ang 10 katao na gumagamit ng hinihinalang shabu sa Barangay Malabanias, Biyernes ng gabi.

Naaresto ang grupo matapos na maghain ng search warrant ang Philippine Drug Enforcement Ageny Region 3 sa isang paupahang apartment sa naturang barangay.

Nakumpiska mula sa grupo ang tinatayang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P136,000 ang street value.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.