TINGNAN: Baha sa Mactan-Cebu International Airport

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2018 12:39 PM

 

Binaha ang Mactan-Cebu International Airport Terminal 2 dulot ng malakas na ulan bandang alas-5 ng hapon Martes.

Sa kuhang mga larawan at video ni Bayan Patroller Xig Abadilla, makikita ang pagbaha sa drop off area patungong link bridge na nagduduktong sa departure area ng airport. 

Baha sa drop off area patungong link brige ng departure area ng Mactan-Cebu International Airport Terminal 2 dahil sa ulan. Kuha ni Bayan Patroller Xig Abadilla

Kuwento ni Abadilla, hinatid niya ang kaniyang kapatid na palabas ng bansa nang abutan sila ng malakas na ulan sa airport. 

Dagdag niya, dahil may baha sa drop-off area, wala silang ibang nagawa kung hindi lumusong. 

Dahil may baha sa drop-off area, wala silang nagawa kung hindi lumusong para makatawid. Kuha ni Bayan Patroller Xig Abadilla

Wala rin umanong temporary ramp na inilagay nang mga oras na iyon. 

Dahil isa ring arkitekto, nagbahagi ng obserbasyon si Abadilla at sinabing hindi akma o kulang ang spacing ng eaves kung kaya't madaling pumapasok ang ulan. 

Dagdag pa niya, bilang solusyon ay maaaring magdagdag ng floor drain upang madaling maalis ang baha sa tuwing malakas ang ulan.

—Ulat mula sa Bayan Patroller

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.