#WalangPasok: Klase sa QC, suspendido sa araw ng SONA

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 06:56 PM

Walang pasok sa lahat ng antas sa Quezon City sa Hulyo 24, 2017. 

Kaugnay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte, suspendido ang klase sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City, anunsiyo ni Mayor Herbert Bautista sa kanyang Facebook page. 

Naghahanda na rin ang Kongreso at Philippine National Police upang mapaigting ang seguridad sa Lunes, araw ng SONA.

Magpapakalat ng 6,000 pulis-Quezon City sa lungsod para sa SONA, ayon kay House Sergeant-at-Arms Roland Detabali. 

Hindi rin pinawawalang-bahala ang anumang posibilidad ng panggugulo o pag-atake, kaya nananawagan na rin ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa kanila. 

"Hindi natin madi-discount (banta o posibilidad). Sa ngayon wala specific kaming natanggap, na-monitor na terror attack pero 'yun nga, sana naman, mag-cooperate 'yung public na we're facing some degree of threats so mag-adjust sana yung publiko. Magtulungan tayo para mabantayan natin 'yung katahimikan ng ating paligid," ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa.

Mananatili namang nakaalerto ang mga pulis sa Metro Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.