Tow truck, hinagisan ng pampasabog sa Makati

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2017 06:21 AM

Nasira ang isang tow truck nang hagisan ito ng pinaghihinalaang granada sa Osmena Highway na sakop ng Barangay Pio del Pilar sa Makati City.

Ayon sa mga residente, dalawang suspek ang sakay ng motorsiklo ang naghagis ng isang pampasabog sa ilalim ng tow truck.

Pagkalipas ng ilang segundo ay sumabog ito. Tinamaan din ang nasa harapan nitong truck at ang kalapit na bahay.

Pumasok ang shrapnel sa pader ng bahay at tinamaan sa kanang braso ang isang 4 na taong gulang na bata.

Rumisponde naman ang mga taga Explosive Ordnance Division (EOD) at Homicide Section ng Makati PNP.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa isidente. -Umagang Kay Ganda, ika-18 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.