Ilang bahagi ng Rizal, Marikina, pansamantalang mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 02:44 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig sa ilang bahagi ng Rizal at Marikina sa darating na Miyerkoles ng gabi, ayon sa Manila Water.

Nakatakdang magsagawa ng 'emergency leak repair' ang Manila Water sa Becco Creek, Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal mula alas-8 ng gabi ng Hulyo 19 hanggang alas-6 ng umaga ng Hulyo 20, Huwebes. 

 

Dulot nito ang pansamantalang pagkawala ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

Rodriguez, Rizal
Manggahan
Geronimo
San Rafael
Balite
Rosario
San Isidro

San Mateo, Rizal
Banaba
Ampid 1
Ampid 2
Sta. Ana
Guitnang Bayan 1
Guitnang Bayan 2
Maly
Dulong Bayan 1
Dulong Bayan 2
Malanday
Guinayang
Manggahan
Burgos

Marikina
Parang

Pinapayuhan ang mga residente ng mga nasabing lugar na mag-imbak ng sapat ng tubig na magagamit sa panahong walang tubig. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.