Gusali, tinupok ng apoy sa Pasig City

Jon Ibañez, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 11:59 PM

Isang commercial building ang tinupok ng apoy sa Pagasa Street, Barangay Caniogan, Pasig City nitong Lunes.

Sinasabing may mga light materials sa loob ng kuwarto na nasa ika-apat na palapag kung saan nagsimula ang sunog sa Marius Arcadia.

Ayon kay Rey Espinas, Pasig Fire volunteer, sumiklab ang apoy bandang alas-6 ng gabi at kinailangang gumamit ng fire ladder ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang apulahin ang apoy.

Ang sunog ay umabot sa roof top ng gusali at gumamit ang Pasig BFP ng isang unmanned fire machine (UFM) upang maapula ito.

Nagkaroon diumano ng problema sa distribusyon ng tubig dahil sa napakakitid na kalsada. Kinailangan ding ihilera ang mga fire trucks upang hindi makaabala sa daloy ng trapiko.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog at patuloy pa din ang imbestigasyon sa insidente. -DZMM
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.