Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Santiago City

Denis Agcaoili at Annie Pasion, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 10:32 PM

Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki sa Sitio Quirat, Barangay Rizal, Santiago City noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Glenn Rumbaoa. Tadtad ng tama ng bala ang katawan niya.

Narekober ang higit 25 basyo ng bala sa lugar.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok
pasado alas-10 ng gabi noong Biyernes.

Ayon kay Senior Supt. Percival Rumbaoa, hindi residente ng Santiago City ang biktima.

"Taga-Saguday, Quirino ito eh. He is not a resident of Santiago City. Pero may mga impormasyon kasing siya ay nagka-conduct ng ganyang mga 'business' dito sa Santiago City," aniya.

Hindi ito ang unang beses na may nangyaring pamamaril sa lugar.

Hindi isinasantabi ng pulisya na may matinding galit ang gunman sa biktima dahil na rin sa dami ng tama nito.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.