2 patay sa buy-bust sa Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2017 04:33 AM | Updated as of Jul 18 2017 11:47 PM

Dalawa ang patay sa buy-bust operation sa isang eskinita sa Callejon Dos Street, Barangay 849, Pandacan, Maynila.

Ayon sa mga awtoridad, alas-10 ng gabi Lunes nang magsimula ang buy-bust operation sa bahay ng hindi pa nakilalang suspek.

Nauwi sa barilan ang operasyon ngunit wala pang report kung ano ang eksaktong nangyari sa engkuwentro dahil kasalukuyan pang pinoproseso ng mga imbestigador ang crime scene.

Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye ang mga pulis sa insidente. Nang iniwan ng mga pulis ang miyembro ng media ay may sumigaw ng "Mamamatay kayong lahat!"

Kanya kanyang awat naman ang mga residente sa isang lalaki na nakilalang si alias "Jan-Jan" na may dalang itak at nagwala.

Nagtakbuhan na din ang mga residente, habang ang mga tauhan ng media ay kanya kanyang hanap ng matataguang bahay.

Muntik na din umano magkaroon ng stampede sa eskinita. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.