Suspek sa panghoholdap sa jeep, napatay ng pulisya sa engkuwentro

Ernie Manio and Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 10:58 AM | Updated as of Jul 14 2017 12:14 PM

Patay ang miyembro ng notoryus na grupo ng mga holdaper na nambibiktima sa San Dionisio, Parañaque.

Kinilala ang suspek na si Antonio Vinculado Jr., alias "Plang Plang", na kabilang sa mga nangholdap ng mga sakay ng jeep sa naturang siyudad.

Nitong nakaraang dalawang linggo, kasama pa umano si Vinculado sa mga nangholdap ng isang jeep sa Baclaran.

Biyernes ng madaling araw naman nang magsumbong ang isang babaeng biktima ng panghoholdap ni Vinculado sa mga rumorondang pulis sa Kaboyboy Bridge sa NAIA Road. 

Nang sitahin umano ng mga pulis ang suspek, agad itong nagpaputok ng baril na agad na ginantihan ng mga pulis, na dahilan ng pagkakamatay nito.

Kuwento naman ng asawa ng suspek, 11 araw na nawawala si Vinculado bago ito mapatay. Aniya, dinukot umano ito ng mga pulis.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .22 na baril at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Pinaghahanap pa ang iba pang mga holdaper na kasamahan ng suspek.

-Umagang Kay Ganda, ika-14 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.