Dating sundalo timbog sa buy-bust sa Cubao

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 11:02 AM

MANILA - Isang dating sundalo na sangkot umano sa Maguindanao Massacre ang nahuling nagtitinda ng ilegal na droga sa Quezon City, Biyernes.

Inaresto ang suspek na si alias "Fernan" sa Barangay San Roque sa Cubao matapos bentahan ng shabu ang isang undercover na pulis.

Itinanggi ni Fernan na sa kanya nanggaling ang 2 sachet ng shabu na nakuha sa buy-bust operation.

Unang napag-alaman na dati umanong kasama ng mga Ampatuan si Fernan bago ito natanggal sa posisyon. Hindi ito sumagot nang tanungin kung may kinalaman siya sa Maguindanao Massacre noong 2009. 

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may standing warrant of arrest laban sa suspek. 

- ulat mula kay Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.