1 sugatan sa salpukan ng motor at jeep sa Caloocan

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 10:17 AM

MANILA - Sugatan ang isang driver ng motorsiklo matapos itong mabangga at halos pumailalim sa isang jeep sa kahabaan ng Quirino Highway sa Caloocan, Biyernes.

Itinakbo sa Tala General Hospital ang biktimang si Jay Art Bayon, habang hindi naman nasugatan ang kaniyang angkas na tumangging magpakilala.

Ayon sa driver ng jeep na si Jonathan Balendez, bigla umanong nag-overtake ang kasalubong na motor kaya nasagi ng isang cement mixer, bago tumama sa jeep.

Pinatotohanan naman ng mga pasahero ng jeep ang salaysay ni Balendez.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.