#WalangPasok: Hulyo 12, Huwebes

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 11:28 AM | Updated as of Jul 12 2018 11:44 AM

MAYNILA - Sinuspende ng mga pamahalaang lokal ang klase sa ilang bayan ngayong Huwebes dahil sa masamang panahon.

Sa isang Facebook post, inanunsiyo ni Bataan Governor Abet Garcia ang suspensiyon ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas dahil sa banta ng habagat.

Samantala, suspendido rin ang klase sa Cagayan de Oro City at ang ilang bayan sa Misamis Oriental dahil sa matinding ulan Huwebes madaling araw.

Narito ang listahan ng mga bayan sa Misamis Oriental na nagsuspende ng klase ngayong Huwebes.

Lahat ng antas

Jasaan
Manticao
Claveria
Libertad
Naawan
Initao

Elementary hanggang high school

Opol
Tagoloan
Gitagum (private schools)
Lagonglong (public schools)
Balingasag (public schools)

--Kasama ang ulat mula kay Rod Bolivar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.