TINGNAN: Ilang bayan sa Pampanga, binaha

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 02:13 PM

Nagdulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko ang pagbaha na dulot ng malakas na ulan sa ilang mga lugar sa Pampanga. Gracie Rutao, ABS-CBN News

SAN FERNANDO, Pampanga – Binaha ang iba’t-ibang bahagi ng lalawigan matapos na bumuhos ang malakas na ulan bago pa mag alas-8 ng umaga ng Huwebes.

Ilang mababang lugar tulad ng Barangay Sta. Filomena sa bayan ng Guagua ang agad na tumaas ang tubig.

Bumper to bumper naman ang eksena pagdating sa Jasa Road ng syudad ng San Fernando dahil binaha ang intersection ng Lazatin Boulevard kaya hirap makadaan ang ilang motorista.

Itinaas ng PAGASA ang yellow warning level sa Pampanga kaya inaasahan na ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.