Magkahiwalay na pagsabog naitala sa 2 bayan sa Maguindanao

Lore Mae Andong, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 06:26 PM

DATU PAGLAS, Maguindanao - Dalawang magkahiwalay na pagsabog ang yumanig sa 2 bayan dito sa probinsiya, Miyerkoles.

Isang 40mm projectile grenade ang sumabog malapit sa munisipyo ng bayang ito bandang alas-8 ng gabi habang isang 'di pa natutukoy na pampasabog naman ang yumanig sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan alas-11 ng gabi.

Walang naitalang nasaktan sa magkahiwalay na insidente.

Samantala, isa pang pinaghihinalaang pampasabog ang natagpuan sa Datu Hoffer Huwebes ng umaga.

Ngunit ayon sa mga awtoridad, "dummy IED (improvised explosive device)" lamang o hindi totoong pampasabog ang nakitang cellphone at mga kable sa gilid ng highway sa bayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.