Construction worker, sinaksak ng kaalitang sekyu

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 05:56 AM

MAYNILA - Patay ang isang construction worker matapos saksakin ng kaalitang guwardiya sa Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Danilo Mefranum, 44-anyos.

Ayon sa isang testigo, nakaupo ang guwardiyang si Danilo Balatocan nang biglang sugurin ng biktima.

Nagtangka rin umano si Mefranum na saksakin ang guwardiya.

Dahil may dala ring patalim si Balatocan, ginantihan niya ng saksak si Mefranum na dahilan sa pagkamatay nito.

Ayon sa suspek, nagpipilit pumasok ang biktima sa lugar kahit pa lagpas na sa 10 p.m. na curfew. 

Inamin naman ng kapatid ni Mefranum na nagtalo na rin ang 2 noong Lunes dahil din ayaw papasukin ang biktima sa lugar. 

Nakainom din ang biktima habang dati namang may kasong illegal possession of firearms ang suspek. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.