40 dinampot sa Maynila dahil sa paglabag sa mga ordinansa

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 04:58 AM

MAYNILA - Dinala sa presinto ang halos 40 katao na lumabag sa iba't ibang ordinansa sa Maynila nitong magdamag.

Sa Moriones Police Station, 28 ang nahuling naglalakad sa kalsada nang walang damit pang-itaas habang 3 ang nahuling umiinom sa pampublikong lugar. 

Apat naman ang naaktuhang nag-iinuman sa kalsada at 2 ang nahuling naglalakad nang walang damit pang-itaas ng Abad Santos Police Station. 

Wala ring damit pang-itaas ang mga nahuli naman ng Raxabago Police Station.

Nirekord at pinayagang umuwi ang first-time offenders habang haharap sa multang P500 pataas ang iba. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.