Duterte, 'nagbiyahe' kaya nawala

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 07:24 PM | Updated as of Jun 20 2017 12:16 AM

Nagpakita na sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte at sinagot ang mga tanong tungkol sa lagay ng kanyang kalusugan.
    
Sa Agusan del Norte unang nagpakita si Duterte matapos ang limang araw ng pagpapahinga. Dumalo siya sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng probinsiya sa Cabadbaran City at dinalaw ang mga sundalo sa 4th Infantry Division Advance Command Post sa Butuan City.

"I was resting actually. I went out of town for a visit somewhere else. Di ko masabi sa inyo,” ayon kay Duterte.

"Nasa kama man lang ako, kayo man lang ang nagsabi na na-coma ako… My state of health is what you see is what you get… My state of health is immaterial kasi ang importante na may successor.”

Ngunit ayon kay Rep. Teddy Baguilat, kailangan pa rin ng dagdag impormasyon ukol sa kalusugan ni Duterte bagaman nagpakita na siya sa publiko, upang mapawi ang usap-usapang may malubhang sakit ang Pangulo.

"Worried over his absences and really wishes better health for the President and hopefully more disclosure to quell rumors of more serious ailments," sinabi ni Baguilat sa isang text message.

Giit naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin, may dahilan pa rin na mag-alala ang publiko dahil sa mga dating karamdaman ng Pangulo.

“Hope the President has fully recovered but given his past medical conditions the nation has something to worry about,” pahayag ni Villarin.

Sinabi naman ng Palasyo na nagpakita at nakipag-usap na ang Pangulo kaya paniwalaan na lamang ito.

“Ang alam po natin ay naglalakad na siya. He's out there and he has already met with the press, he has already met with a number of people. So let's go by that, okay?,”ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella.

Duterte, handang alisin at ibalik ang batas militar

Sinabi rin ni Duterte na handa siyang iatras ang martial law pero puwede niya itong ibalik kung kinakailangan.
    
“If that rebellion burns Mindanao and the other parts of the Philippines and I'll be force to declare martial law again, this time I will do it in my own to preserve my nation. I will not consult anybody and there is not telling when it will end. Wala na, basta then it could be copycat of Marcos,” ayon kay Duterte.

Pero paalala ni Senador Risa Hontiveros, walang basehan ang mahaba o "unli" martial law at tiwala siyang kokontrahin ito ng taumbayan.

“Walang 'unli-martial law.' I am confident that the people will oppose and defeat it. Kung ‘yung original martial law nga ni Ferdinand Marcos ay tinalo ng mamamayan, ang isang "Marcos copycat" pa kaya?” pahayag ni Hontiveros.

Nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi ang mga pang-aabuso noong martial law ni Marcos ang nais buhayin ng Pangulo.

“After all in the pronouncement and declaration of martial law, sinabi niya na if you are a law abiding citizen, martial law is not a problem that you worry about,” ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP.

-- Ulat ni Charmaine Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.