Kagawad, patay sa pamamaril sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 01:40 AM

DAVAO DEL NORTE - Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin sa Carmen, Davao del Norte Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Santos Sentelleas Samoranos, 65 anyos, konsehal ng Barangay La Paz.

Base sa paunang ulat ng Carmen police, papuntang sentro ang biktima nang biglang harangin sa daan at pagbabarilin. Sakay umano ng motorsiklo ang salarin.

May lead na umano ang pulisya kung sino ang responsable sa pamamaslang.

Personal na away ang tinitingnang motibo sa insidente. - ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.