Speed limit ipatutupad sa Cagayan de Oro sa Hulyo

Jayberth Pairat, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 01:23 PM

CAGAYAN DE ORO CITY - Ipatutupad na ang speed limit para sa mga sasakyan sa iba't ibang bahagi ng lungsod simula Hulyo, ayon sa mga opisyal dito Huwebes.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO) Region 10, itatakda ang 80 kilometers per hour na speed limit sa mga highway habang ang mga kalsada sa loob ng bayan ay magkakaroon ng 20 hanggang 40 kph na takdang bilis ng mga sasakyan. 

Mayroon nang polisiya na nagtatakda ng speed limit noon pang 2007, ngunit ngayong taon lang ito maipatutupad dahil noong Mayo 2018 lang nakabili ang pamahalaan ng speed gun, sabi ni Edmundo Moreno, law enforcement officer ng LTO dito sa lungsod.

Ang mga lalabag sa bagong patakaran ay pagmumultahin ng P2,000 hanggang P10,000, sabi ni Moreno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.