Pulis, sugatan sa pamamaril sa Zamboanga Sibugay

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 11:02 AM | Updated as of Jun 14 2018 11:07 AM

Police Regional Office 9

ZAMBOANGA CITY - Sugatan ang isang pulis matapos barilin ng isang bilanggong nakakulong sa Tungawan Municipal Police Station sa Zamboanga Sibugay, Miyerkoles.

Kinukuha ng ilang imbestigador ang fingerprints ng suspek na si Jomar Aukasa sa loob ng investigation room nang hablutin nito ang baril ng isang pulis, sabi ng mga awtoridad.

Tumakbo palabas ng investigation room ang suspek at binaril si PO3 Romel Dela Cruz na nakabantay sa front desk ng himpilan.

Nakatakas si Aukasa mula sa himpilan at patuloy pang hinahanap ng mga pulis.

Naaresto si Aukasa noong Lunes dahil sa 3 kaso ng pamamaslang. Pang-pito siya sa mga most wanted sa bayan ng Tungawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.