Pulis patay sa pamamaril sa Napolcom building sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 04:48 PM | Updated as of Jun 14 2018 10:07 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang pulis-Marikina matapos pagbabarilin sa isang parking space sa National Police Commission Building sa Makati City.

Ayon sa paunang ulat, kagagaling lamang ng biktimang si PO2 Teejay Valdez sa isang hearing sa Napolcom at pasakay na sana ng kaniyang kotse nang barilin ng 3 beses mula sa likuran.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Nakasuot ng itim na jacket at itim na sombrero ang suspek, ayon sa pulisya. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.