Hinihinalang tulak patay, pulis sugatan sa engkuwentro sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 11:08 AM

MAYNILA - Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos makaengkuwentro ng pulisya sa Gen. T de Leon, Valenzuela City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, nakatunog umano ang suspek na si alyas Arnel sa paparating na pulis sa isang buy-bust operation bandang alas-7:30 ng umaga.

Agad umanong pinaputukan ng suspek si PO1 Maverick Perez na napilitang gumanti ng putok. Parehong isinugod sa Valenzuela Medical Center ang 2 pero binawian ng buhay ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.--ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.