Taiwanese na tour guide, arestado dahil sa ilegal na droga

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 09:10 PM

CEBU CITY - Arestado ang isang Taiwanese at isang Filipino sa isinagawang operasyon kontra droga Miyerkoles dito sa siyudad.

Kasalukuyang nakakulong sa Fuente Police Station ang Taiwanese na si Tseng Chien Lung, 49-anyos at ang 'di umano'y runner nito na si Jimmy Gallardo.

Nakuha mula sa Taiwanese na nagtatrabaho bilang tour guide ang tatlong medium pack ng shabu, pera, at cellphone na ginagamit niya umano sa kaniyang mga transaksiyon. 

Nakumpiska naman ang maraming pera mula kay Gallardo. Hinihinalang kita nila ito sa pagbebenta ng shabu.

Ayon kay Chief Insp. Maria Theresa Macatangay, ang hepe ng Fuente Police Station sa Cebu City, mahigit dalawang linggo na nilang minamanmanan ang mga suspek sa tinitirhan nilang apartment sa Barangay Sta. Cruz. 

Base sa kanilang surveillance, nalaman nila ang ilegal na gawain ng dalawa kaya sila dinakip. Si Gallardo ang inuutusan ni Tseng na bumili ng shabu at ibenta ito sa mga turistang customer niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.