#WalangTubig sa weekend: Bahagi ng Rizal, Marikina

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 06:49 PM | Updated as of May 18 2018 12:39 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-abiso ang Manila Water na sa halip na ngayong gabi ng Huwebes, na-reschedule sa Sabado, Mayo 19, ang water service interruption na makaaapekto sa tinatayang 26,000 kabahayan sa San Mateo at Rodriguez, Rizal at sa Marikina.

 

Asahan ang paghina ng water pressure o kaya'y tuluyang pagkawala ng tubig simula alas-10 ng gabi ng Sabado hanggang alas-6 ng umaga ng Mayo 20, Linggo.

Narito ang mga apektadong barangay:

SAN MATEO, RIZAL

- Ampid 1
- Ampid 2
- Banaba
- Dulong Bayan 1
- Dulong Bayan 2
- Guitnang Bayan 1
- Guitnang Bayan 2
- Guinayang
- Maly
- Sta. Ana 

RODRIGUEZ, RIZAL

- Burgos

MARIKINA CITY

- Parang

Pinapayuhan ang mga residente ng naturang lugar na mag-ipon ng tubig.

Ayon sa Manila Water, magkakaroon ng water service interruption dahil sa phase 2 ng paglilipat ng water supply mula sa East La Mesa treatment plant patungo sa southeast mainline. 

Nitong Huwebes, bumaba pa sa 71.98 meters ang water level sa La Mesa Dam, ang pinakamababang antas sa loob ng 15 taon.

Dalawang gate na lang ang naiwang pasukan ng tubig na puwedeng iproseso at isuplay sa mga customer ng Manila Water.

Nagdagdag na ng 2 cubic meters per second na alokasyon ng tubig galing Angat Dam pero hindi naman ito nakadagdag sa water level ng La Mesa Dam.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.