Koreano, kritikal sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 06:07 AM

MAYNILA - Kritikal ang isang Koreano matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin malapit sa isang resort sa Caloocan.

Nagtamo ng 3 tama ng bala sa tiyan ang biktima na wala pang pagkakakilanlan.

Naka-confine ang biktima sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa North Caloocan.

Sa kuha ng CCTV, makikita na ibinaba ang Koreano ng isang black na van at saka pinagbabaril.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.