Ama, sugatan nang barilin ng sariling anak sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 05:37 PM

Sugatan ang isang lalaki sa bayan ng Calubian, Leyte matapos siyang barilin ng sariling anak noong Miyerkoles.

Batay sa imbestigasyon ng pulis, nagkasagutan muna ang biktimang si Julito Dillo, 55, at anak na si Jenrey, 25, bago mangyari ang pamamaril.

Patuloy na ginagamot sa ospital si Julito matapos magtamo ng injury sa tiyan.

Agad namang sumuko sa pulisya si Jenrey, isang habal-habal driver.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng bala at sumpak na ginamit.

Nabatid na may standing warrant of arrest laban kay Jenrey dahil sa kasong paglabag sa Anti-Violence against Women and their Children Act.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.