1-taong gulang na bata, nagulungan ng bus

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 09:43 AM

NAGA CITY, Cebu - Patay ang isang taong gulang na bata matapos magulungan ng bus, Miyerkoles ng gabi, ayon sa pulisya.

Angkas ng motorsiklong minamaneho ng kaniyang ina ang bata at tiyahan nang maganap ang aksidente.

Nasagi umano ng Ceres bus liner ang motorsiklo nang bigla itong kumabig pa-kaliwa galing inbound lane patungo sa Toledo City.

Natumba ang motorsiklo at nagulungan ang bata. Ligtas naman ang kaniyang ina at tiyahin.

Nakakulong na ngayon ang driver ng bus.

Desidido namang magsampa ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries ang pamilya ng bata laban sa driver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.