TINGNAN: Mga taga-Albay nag-donate ng buhok para sa mga may cancer

Karla Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 08:25 PM | Updated as of Apr 21 2017 10:31 PM

LEGAZPI CITY - Sinimulan na ng mga taga-Albay ang pagdo-donate ng kanilang mga pinutol na buhok sa isang programang naglalayong maka-ipon ng mga materyales sa paggawa ng wig para sa mga pasyenteng may cancer.

Mga batang nalalagas ang buhok dahil sa chemotherapy ang pangunahing gustong tulungan ng proyektong "Love is in the Hair."

Ayon sa mga awtoridad, hindi dapat bababa sa 12 inches ang haba ng ibibigay na buhok, at hindi dapat ito rebonded at nakulayan ng hair dye.

Ayon sa mga opisyal, tatanggap pa ng mga donasyong buhok ang program hanggang sa katapusan ng Abril.