#WalangTubig: Listahan ng mga water service interruption

Alvin Elchico, ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 06:58 PM | Updated as of Apr 17 2018 10:21 PM

  • Maynilad at Manila Water, pinag-aayos kundi ay mawawalan ng kontrata

  • Babala ng Maynilad: Water interruption posible sa buong tag-init

Nagbanta ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kakanselahin ang kontrata sa Maynilad at Manila Water kapag di pa naresolba ang isyu sa hatian ng suplay ng tubig na nagdudulot na water interruption o low water pressure sa mga customer ng Maynilad.

“Ang commitment is ayusin nila today... (or else?) they will lose their concession if that is provided in the law,” sabi ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco.

Nitong Martes, pinuntahan ni Velasco ang common purpose facilities at itinuro sa kaniya ang valve o sluice gate na kinukuwestiyon ng Maynilad kung bakit Manila Water lang ang may kontrol dati.

Ang sluice gate ay ang harangan ng tubig na kontrolado ng Manila Water. 

Ito ang pasilidad na ngayo'y kinontrol na ng MWSS para masunod ang hatian ng tubig ng Maynilad na 60 porsiyento at Manila Water na mayroong 40 porsiyentong alokasyon.

Nitong Lunes, Abril 16, lalo pang lumaki ang kulang na supply ng tubig sa pagtataya ng Maynilad.

Kaya tuloy pa rin ang water service interruption o kaya'y ang mahinang water pressure mula alas-8 hanggang alas-4 ng madaling araw sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad.

Simula rin alas-8 ng gabi ngayong Martes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Miyerkoles, Abril 18, muling makararanas ng kawalan ng supply ng tubig o mahinang water pressure ang mga sumusunod na lugar:

 

PARAÑAQUE
BF Homes
Don Bosco
San Martin De Porres

CALOOCAN
Barangays 49, 52 to 80, 93, 97, 98, 101 to 116, 121 to 124, 159, 160, 164, 165, 166, 174 to 177

MAYNILA
Barangays 67, 74, 79 to 83, 85, 91 to 112, 116 to 120, 122, 128, 198 to 202, 202-A, 203 to 220, 306, 587 to 625, 830 to 840, 842, 844 to 846, 848, 849, 853, 855 to 858, 860 to 862, 864, 865, 867, 868, 870 to 872

NAVOTAS
Daanghari
San Roque
Tangos

PASAY
Barangays 41 to 75, 80 to 144

QUEZON CITY
Apolonio Samson
Bagong Silangan
Balingasa
Batasan Hills
Bungad
Commonwealth
Gulod
Holy Spirit
Kaligayahan
Manresa
Masambong
Nagkaisang Nayon
Novaliches Proper
Paltok
Pasong Putik
Payatas
San Agustin
Santa Monica
Santo Domingo
Sienna
Talayan
Tatalon
Veterans Village

VALENZUELA
Canumay East
Canumay West
Lingunan
Mapulang Lupa
Paso De Blas
Ugong

LAS PIÑAS
Almanza Uno
Pilar
Talon Dos
Talon Singko

BACOOR, CAVITE
Alima
Aniban III
Bayanan
Campo Santo
Daang Bukid
Digman
Habay I
Kaingin
Ligas II and III
Mabolo I and II
Maliksi I to III
Mambog I to IV
Molino I to IV, VI, VII
Niog I
Panapaan II to IV
Poblacion (Tabing-Dagat)
Queens Row Central
Queens Row East
Queens Row West
San Nicolas I to III
Sineguelasan
Talaba I to III, VII

CAVITE CITY
Barangays 10-A, 10-B, 11 to 27, 29 to 42, 42-A, 42-B, 43 to 62
Fort San Felipe (Phil. Navy)
Sangley Point

IMUS, CAVITE
Anabu I-A to I-F
Anabu II-A to II-F
Bayan Luma I to IX
Bucandala I to V
Buhay na Tubig
Carsadang Bago I and II
Malagasang I-A to I-G
Malagasang II-A to II-G
Palico IV
Pasong Buaya I and II
Tanzang Luma I
Toclong I-A to I-C

NOVELETA, CAVITE
Magdiwang
Poblacion
Salcedo I and II
San Antonio I and II
San Jose I and II
San Juan I and II
San Rafael I to IV
Santa Rosa I and II

ROSARIO, CAVITE
Bagbag I

Watch more in iWantv or TFC.tv

Walang tubig sa tag-init? 

Babala ng Maynilad, magpapatuloy ang water interruption sa buong tag-init kung di maibabalik ang 60 porsiyentong alokasyong raw water mula sa Angat Dam.

“Di kami papayag na ito ang magiging sitwasyon. 'Yung pag-iipon ng tubig nila (Manila Water) should not be at the expense of our customers.” sabi ni Jen Rufo, head ng corporate communications ng Maynilad.

Ayon pa kay Rufo, hanggang di naibabalik ang kanilang 60 porisyentong alokasyon, magtutuloy-tuloy lang ang daily water service interruption.

Sa average, nasa 58 porsiyento pa rin daw ang nakukuha nila o kapos ng 2 porsiyento.

Bumaba rin ang nibel ng tubig sa La Mesa Dam na ngayo'y 72 meters na lang.

Dapat daw ay nasa 78-79 meters ito pero dahil sa tindi ng demand sa tubig ng Manila Water, malaki ang nabawas sa nibel ng tubig sa dam, ayon sa Maynilad.

Inaantabayanan pa ang panig ng Manila Water ukol sa alegasyon ng Maynilad, pero nauna nang sinabi ng Manila Water na makikita sa non-revenue water ng Maynilad kung gaano karaming tubig ang nasasayang sa sistema nito. 

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.