Sikad driver, itinumba ng riding in tandem sa GenSan

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 03:24 PM

GENERAL SANTOS CITY - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motor sa Barangay Lagao, Martes.

Kinilala ang biktima na si Marlon Lentija na kakatapos lamang sumailalim sa drug rehabilitation program ng gobyerno. 

Nanawagan ng katarungan ang pamilya Lentija sa mga pulis habang hinamon ng human rights group na I-Defend Socsksargen ang General Santos City Police Office na resolbahin ang sunod-sunod na patayan sa GenSan.

Ayon hepe ng pulis sa siyudad na si Sr. Supt. Raul Supiter, bukod sa droga, gantihan ng magkakalabang grupo ang motibo ng sunod-sunod na kaso ng pamamaril.

Ayon sa Commission on Human Rights sa Region 12, ang General Santos ang may pinakamaraming reklamo ng mga posibleng kaso ng extra judicial killings.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.