Lalaking hinamon ng away inatake sa puso, patay

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 10:08 AM | Updated as of Apr 17 2018 10:24 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos atakihin sa puso sa gitna ng pakikipag-alitan sa kanyang kapitbahay sa Barangay 561, Zone 55, sa Sampaloc.

Kinilala ang biktimang si Ryan Guillen, 35, na nakikipag-inuman lamang sa kanyang misis sa tapat ng bahay nang hamunin umano siya bigla ng away ng kapitbahay.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang paghahamon ng away ng kapitbahay na si alyas "Loma." Lalaban sana si Guillen pero inawat siya ng mga tao sa paligid.

Pag-atras ni Guillen sa isang sulok, bigla na lang itong tumumba. Inatake na pala ito sa puso kaya isinakay ito sa traysikel at dinala sa ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng pulisya si "Loma" na lubos ang paghingi ng tawad sa misis ni Guillen, lalo't may naulila itong 5 anak.--ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.